Posted
February 26, 2015
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay
Hindi lang paggunita sa ika-29 na anibersaryo ng 1986 People Power Revolution
ang nangyari sa Aklan kahapon.
Sinabayan din kasi ito ng signature campaign ng mga taga Bagong
Alyansang Makabayan o Bayan-Aklan.
Ayon kay Bayan Aklan Chairperson George Calaor, isang mass signing of petition para sa mga Yolanda victims sa Aklan ang
kanilang ginawang hakbang.
Isang panawagan din umano ito upang maisama sa listahan ang mga
nabiktima ng Bagyong Yolanda na wala sa listahan ng mga benepisyaryo ng Emergency
Shelter Assistance o ESA.
Maliban sa mass signing of petition, isinabay din ng militanteng grupo
ang kanilang pagkadismaya sa administrasyong Aquino at ang pag-abolish sa Pork
Barrel system.
Nabatid na nag-marcha kahapon ng hapon ang grupo sa lansangan ng Kalibo
at idinaos ang kanilang programa sa Kalibo Pastrana Park.
No comments:
Post a Comment