Posted February 27, 2015
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Ito ang paulit-ulit na paalala ng mga otoridad
hindi lamang sa mga turista, residente at lokal na bakasyunista, kundi pati na
rin sa mga establisyemento sa isla ng Boracay.
Isa na naman kasing menor-de-edad na babae o
dalagita ang nahuli sa pagnanakaw.
Ayon sa blotter report ng Boracay PNP Station,
hinarang ng intel security guard ng isang minimart sa D’ Mall Balabag Boracay
ang 16 anyos na nasabing dalagita matapos malamang nang-shoplift ng mga mamahaling
tsokolate at ilang beauty products.
Lumalabas naman sa imbestigasyon na bandang alas
singko nang makita umano ng sekyu ang 16 anyos na dalaga na kinukuha ang mga
nasabing produkto at inilagay sa kanyang bag.
Pagkatapos umano nito ay kaagad na syang lumabas,
subalit hinarang ng sekyu matapos sabihin ng ilang empleyado doon na hindi pa
ito nagkakapagbayad.
Samantala, nang suriin ang dala-dala nitong bag,
narekober mula sa menor-de-edad ang mga mahahaling tsokolate, mga facial scrub
at whitening soap at ilang pabango na nagkakahalaga lahat ng tinatayang 24, 950
pesos.
Kaugnay nito, nanatili pa rin ngayon sa kustodiya
ng Women and Children Protection Desk (WCPD) ng Boracay PNP Station ang isang
16 anyos na dalagita.
No comments:
Post a Comment