Posted February 27, 2015
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Ito ang sinabi ni Professor Kazuo Nadaoka, Chief
Technical Adviser ng Coastal Ecosystem Conservation and Adaptive Management
(CECAM) Project sa Boracay sa ginanap na pagpupulong kahapon ng Philippine
Chamber of Commerce and Industry (PCCI) Boracay.
Anya, sa bawat proyekto na ipapatupad ng PCCI Boracay
at pamahalaan, kailangang isama ang mga kabataan sapagkat isa sila sa mga
magbibigay ng bagong pag-asa sa isla.
Ang ideya umano ng mga kabataan para sa ikakaunlad
ng lahat lalo na ng isla ng Boracay sa mga kinakaharap nitong problema ay
napakahalagang malaman at marinig.
Samantala, sinang-ayunan naman ito ni Professor
Miguel Fortes, Project Manager ng CECAM.
Dagdag ni Fortes, hindi rin dapat magbulag-bulagan
ang lahat at dapat maging maagap na tingnan ang realidad.
Wala din umanong makakatulong at makakapagpaunlad
ng Boracay kundi ang publiko rin mismo.
Samantala, dinaluhan naman ng iba’t-ibang sektor ng
lipunan ang nasabing pagpupulong, kung saan dumalo din si Aklan Governor
Florencio Miraflores upang mapag-usapan ang mga problema sa Boracay at mabigyan
ng kaukulang aksyon.
No comments:
Post a Comment