Posted February 27, 2015
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay
Tugon ito ng LGU Malay sa mga aksidenteng dulot ng
sira o kawalan ng street light sa mainroad kung saan hindi lamang local na
residente ang mga nabibiktima kungdi pati mga turista.
Sa text message ni Municipal Engineer OIC Engr. Arnold
Solanoy, sinabi nito na 410 thousand pesos ang inilaang budget ng LGU Malay
para sa pagpapapintura ng existing curve at gutter mula sa Barangay Manoc-manoc
portion papuntang Barangay Balabag.
Ayon pa kay Solanoy, kulay dilaw ang ipipintura sa
gutter at kulay maroon naman ang para sa slab.
Samantala, habang ginagawa ang balitang ito, sinabi
pa ni Solanoy na pirma na lang ni Mayor John Yap ang kailangan para maaprobahan
ang nasabing budget.
Maliban sa pagpapapintura, nakabinbin naman ngayon
ang tungkol sa pagpapalit ng mga street lights sa main road ng Boracay na matagal
na ring umano ng negatibong komento mula sa publiko.
No comments:
Post a Comment