Posted February 23, 2015
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Karamihan sa mga naitala sa Women and Children
Protection Desk (WCPD) ng Boracay PNP Station ang mga kaso ng pananakit sa
kabataan at kababaihan.
Ito ang sinabi ni SPO2 Lyn Ibañez ng Women and
Children Protection Desk, kung kaya’t mahigpit umano nila ngayong tinututukan
ang mga ganitong kaso.
Anya, isa sa mga hakbang na ginagawa nila sa
kasalukuyan ang pagkakaroon ng mga “counseling program” kasama ang DSWD sa bawat barangay o komunidad.
Sa ilalim din umano ng mga programa ng Social
Welfare and Development Office, naipapaliwanag sa mga magulang at kabataan ang
mga dapat at hindi dapat gawin.
Ito’y katulad na lamang umano ng sapilitang
pagpapatrabaho sa isang bata lalo na ang may edad 15 pababa na maituturing na
paglabag sa Republic Act No. 9231 o Child Labor Law.
Nabatid din kasi na may ilang mga magulang ang
naispatan sa Boracay na sya din umanong nag-uutos mismo sa kanilang mga anak na
gumawa ng sandcastle sa isla lalo na kapag gabi at minsa’y inaabot pa ng
hating-gabi.
Samantala, iginiit naman ni Ibañez na maaaring
patawan ng kaukulang parusa ang mga maaaring lalabag sa Republic Act No. 9262 at Republic Act 7610 o
ang mga batas na nagbibigay proteksyon sa mga kabataan at babaeng nakakaranas
ng pang-aabuso.
No comments:
Post a Comment