YES THE BEST 911 BORACAY

Tuesday, February 24, 2015

Mahigit 70 pulis, sumailalim sa Top Cop Seminar sa Boracay

Posted February 24, 2015
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay

Photo Credit to PNP Western Visayas
Malaking bagay para sa isla ng Boracay ang magkaroon ng mga Tourist-Oriented Police.
Kaya naman nitong araw, muling inilarga ng Department of Tourism at Philippine National Police ang Top Cop o Tourism Awareness for Tourist-Oriented Police for Community Order and Protection Seminar.

Nilahukan ito ng mahigit 70 pulis mula sa Boracay Tourist Assistance Center, Malay PNP at Maritime Command.

Sa pagsisimula ng seminar kanina, sinabi ni Rene Cortum ng DOT Region 6 na isang milking pot sa rehiyon ang isla ng Boracay dahil sa masigla nitong industriya ng turismo.

Photo Credit to PNP Western Visayas
Dahil dito, lalo pa umanong lumalaki ang responsibilidad ng mga kapulisan na pangalagaan ang seguridad ng mga turista sa isla.
Samantala, ikinatuwa naman ng Department of Tourism ang naging tugon ng mga kapulisan sa Malay at Boracay sa nasabing seminar.

Ilan naman sa mga nakatakdang ibahagi sa tatlong araw na seminar ang Tourist Behavior Patterns, Basic Investigation Procedures, at Ways in Handling Tourist Related Cases.

No comments:

Post a Comment