Posted February 27, 2015
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay
Ito ang sinabi ni USEC. Florencia Dorotan ng NAPC o
National Anti-Poverty Commission tungkol sa mga batang namamalimos at
nagtitinda ng mga souvenir sa vegetation area ng isla.
Ginawa ni Dorotan ang pahayag kasabay ng isang
aktibidad para sa Boracay Women Producer’s Cooperative nitong umaga.
Unang nagpaabot ng apela si Dorotan sa DSWD o
Department of Social Workers and Development na gawin ng puspusan ang kanilang
trabaho, at sa mga magulang mismo ng mga bata.
Hindi umano kasi katanggap-tanggap tingnan na may
batang lansangan lalo pa sa isang tourist destination katulad ng Boracay dahil
sa panganib katulad ng human trafficking.
Samantala, nabatid na nanatili paring problema sa
isla ang mga batang namamalimos at naglalako ng kung anong souvenir sa mga
turista dahil sa kanilang pagiging makulit.
Base pa sa nakalap na impormasyon, mistulang
malakas ang loob ng mga nasabing kabataan sa kanilang aktibidad lalo na sa gabi
dahil sa maling parental consent ng kanilang mga magulang.
No comments:
Post a Comment