Posted February 25, 2015
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Tumanggi munang magbigay ngayon ng ilang
impormasyon ang Bureau of Internal revenue (BIR) Aklan hinggil sa kanilang isinasagawang
Tax mapping sa probinsya.
Ayon sa pamunuan ng BIR Aklan, hinihintay pa kasi
nila na makabalik si BIR Aklan Revenue District Officer Eralen de Aro kasama ang
kanilang mga monitoring team.
Dagdag pa rito, maaaring sa
Lunes pa umano sila makakapagbigay ng resulta, kung saan dito malalaman kung may
ilang mga establisyemento o negosyo na lumabag sa ipinapatupad na alintuntunin
ng nasabing ahensya.
Samantala, ang BIR TAX Mapping ay ang pag
inspeksyon ng mga negosyo sa municipal na tindahan gayundin sa bayan.
Ngunit nabatid na kadalasan, ito ay kinakatakutan
ng mga maliit na negosyante dahil sa
maaring paglabag sa mga alituntunin at kaukulang parusa ng kanilang tindahan.
No comments:
Post a Comment