Posted February 26, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Puspusan na ang ginagawang paghahanda ng LGU Malay sa
nalalapit na Association of Southeast Asian Nations (Asean) Chief Justices
Meeting sa Boracay ngayong March 1-2.
Ito ay inaasahang lalahukan ng chief justices mula sa
bansang Brunei, Cambodia, Thailand, Indonesia, Laos, Burma, Vietnam, Malaysia,
Myanmar at Singapore at si Philippine Chief Justice Ma. Lourdes Sereno.
Sinabi naman ni Regional Trial Court Executive Judge
Marietta Homena-Valencia na excited na ang mga Asean chief justices na dumalo
sa nasabing meeting na magaganap sa sikat na island destination sa mundo.
Kaugnay nito naghahanda na rin ang mga concern agencies
sa Malay at Boracay kabilang na ang Boracay Philippine National Police para sa
pagpapaigting ng seguridad sa isla.
Samantala, ang Malay municipal government at ang Aklan
provincial government ay naghahanda na rin sa Asia-Pacific Economic Cooperation
Summit ministerial meeting na gaganapin din sa Boracay ngayong darating na
Mayo.
No comments:
Post a Comment