YES THE BEST 911 BORACAY

Monday, February 23, 2015

Mahigit 200 pulis, ipapakalat para sa Supreme Court Chief Justices conference sa Boracay

Posted February 23, 2015
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay

Image result for policemen in the philippinesKasado na ang seguridad para sa nakatakdang Supreme Court Chief Justices conference sa Boracay.

Katunayan, sinabi ni Boracay Tourist Assistance Center o BTAC OIC PSInps.Frensy Andrade na mahigit 200 pulis ang ipapakalat sa isla para sa nasabing aktibidad.

Manggagaling umano ang mga pulis sa iba’t-ibang police station sa probinsya ng Aklan.

Nilinaw pa ni Andrade na hindi pa kasama sa mahigit 200 pulis ang puwersa naman ng Boracay PNP, kung kaya’t asahan na umano ang mahigpit na seguridad para dito.

Samantala, kaugnay para sa ikinasang seguridad, sinabi pa ni Andrade na iba din ang paghahandang gagawin ng Malay PNP.

Maliban dito, magdi-deploy din umano ng mga kapulisan sa mga lugar na madadaanan ng mga bibisitang judges.

Nabatid na gaganapin dito sa Boracay ang conference sa darating na March 1-3 na inaasahang dadaluhan ng 500-600 na delegado.

No comments:

Post a Comment