Posted February 25, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Sumailim na sa Committee hearing ang hiling para sa SB
endorsement ni Mr. Sangwon Hyun na mag-operate ng Yellow Submarine sa isla ng
Boracay.
Sa ginanap na 8th Regular SB Session kahapon, tinalakay
ni SB member at Chairman ng Committee on Tourism Jupiter Gallenero ang nasabing
usapin kung saan nagkaroon umano sila ng committee hearing tungkol dito.
Ayon pa kay Gallenero nakapagbigay na umano sa kanila ng
dokumento si Hyun na isa sa mga requirements sakaling matuloy ang nasabing
operasyon.
Nakasaad din umano dito na hindi ito sa buong isla ng
Boracay mag-ooperate kung hindi mayroon lang umano itong area kung saan
ilalagay ang Submarine.
Kaugnay nito magkakaroon naman ng pagsusuri si Lifeguard
commander Mike Labatiao at ang Environmental Coastal officers sa Boracay kung
saan maaaring ilagay ang Submarine sakaling ito’y maaprobahan.
Sinabi pa ni Gallenero na aantayin nalang nito ang report
mula kay Labatiao upang muling matalakay sa 2nd reading sa susunod
na SB Session ng Malay.
No comments:
Post a Comment