Posted February 26, 2015
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay
Kaugnay nito, nagpaabot ng pasasalamat ang LGU
Malay at PCCI o Philippine Chamber of Commerce and Industry-Boracay sa mga
siyentipikong pag-aaral ng grupo nina Professor Miguel Fortes para sa isla.
Sa tatlong taong pag-aaral, tinutukan ng CECAM ang problema
tungkol sa soil erosion sa isla at ang Coliform issue.
Sa isang pagpupulong nitong hapon kasama ang mga
stakeholders, iginiit ni Fortes na hindi dapat isawalang-bahala ang nasabing
problema kungdi pagtulungan ng lahat lalo na ng mga taga business sector at
lokal na pamahalaan.
Bago nito, muling ibinahagi ng CECAM ang ilang kaalaman tungkol
sa pangangalaga ng kalikasan at ang hindi magandang maidudulot ng
overdevelopment.
Positibo namang tinanggap ng LGU ang mga
ibinahaging kaalaman ng CECAM kasabay ng panawagan naman sa mga negosyante sa
isla ng pagtutulungan.
Nabatid na nagsagawa ng pag-aaral sa long beach at
kabuuang coastal condition ng isla sina Fortes sa tulong ng PCCI, kung
saan natuklasan ang ilang sanhi ng soil erosion at environmental degradation.
Samantala, nagsagawa din ng pag-aaral sina Fortes
sa ilan pang tourist destination sa bansa at ibang panig ng mundo maliban sa
isla ng Boracay.
No comments:
Post a Comment