Posted February 27, 2015
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Kaugnay ng masusing pag-aaral nitong nakaraang
buwan ng Sangguniang Panlalawigan (SP) Aklan, nais ngayong makita ng mataas na konseho
ang security plan sa Kalibo International Airport (KIA) upang masiguro ang
seguridad ng mga pasahero doon.
Ito’y matapos ng mga sunod-sunod na mga aberya at
hindi magandang nangyari sa nasabing paliparan.
Sa ginanap na SP Regular Session, nais masiguro ng
mataas na konseho sa Aklan na ligtas sa anumang pagbabanta ang KIA lalo na’t
nalalapit ang pagkakaroon ng mga malalakihang aktibidad sa probinsya tulad ng
APEC Senior Officer Meeting and Ministerial Meeting sa Boracay.
Kaugnay nito, hiniling din ng SP Aklan kay
Department of Transportation and Communication (DOTC) Secretary Joseph Emilio
Abaya na tulungan ang Aklan sa pagtugon ng mga problema sa KIA.
Kabilang na umano rito ang pagkakaroon ng training
ng mga empleyado at pag-upgrade ng mga kagamitan.
No comments:
Post a Comment