Posted February 27, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Ang seguridad umano ng Kalibo International Airport ang siyang
pangunahing prayoridad ng bagong Kalibo-Civil Aviation Authority of the
Philippines manager na si Martin Terre.
Sinabi nito na ang security breaches at iba pang problema
sa nasabing paliparan ang kanyang tututukan at kung ano man ang posibleng
solusyon ng CAAP department heads para dito.
Sisiyasatin din umano nito ang kabuuan ng terminal
building para makita sa apat na sulok kung ano ang kailangang bigyan ng pansin.
Si Terre ang siyang pumalit kay dating manager Cynthia
Aspera ng Kalibo International Airport na napaalis sa puwesto dahil sa security
breaches at pormal na umupo sa kanyang tungkulin nitong Biyernes.
Matatandaang nangyari ang security breach nitong Enero 22
kung saan isang babaeng may problema sa pag-iisip ang nakalipad papuntang South
Korea na walang anumang travel documents.
Siniguro naman ni Terre na gagawin nila ang kanilang makakaya
para ma-improve ang operasyon sa Kalibo International Airport.
Si Terre ay nagmula sa Roxas Airport sa Roxas City kung saan din ngayon inilipat bilang bagong manager si Aspera.
No comments:
Post a Comment