Police February 24, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Mahigpit na ipinagbabawal ng Caticlan-Boracay Transport
Multi-Purpose Cooperative (CBTMPC) ang mga bangkang bumibiyahe sa isla na may
sariling lutuan.
Ito’y dahil sa hindi ito kagandahan para sa mga sumasakay
na pasahero at higit sa lahat ay sadya itong delikado para sa kanilang
operasyon.
Ayon naman kay CBTMPC Chairman Godofredo Sadiasa ang
pagluluto mismo sa likod ng bangka ay mahigpit nilang ipinagbabawal kung saan
naglabas na umano sila ng memorandum para ipagbawal ito.
Kaugnay nito napansin din ni Jetty Port Administrator
Nieven Maquirang ang nasabing problema kung kayat inilapit niya mismo ang
kanyang pagkabahala kay Sadiasa kung ito ba ay pinapayagang isagawa ng mga
bangkero sa kanilang mga bangka.
Samantala, inaasahan namang may mga pagbabago sa ilang
bangkang bumibiyahe sa Boracay kung saan papalitan na ang dating desinyo ng mga
ito ng mas-kumportable at mas-malaki.
No comments:
Post a Comment