Posted December 12, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Patuloy ngayong inaaksyunan ng LGU Malay ang
problema tungkol sa mga katutubong Badjao sa isla ng Boracay.
Kaugnay ito sa reklamo ng publiko sa isla sa mga
nasabing katutubo na makukulit at nangbabanta pa umano kapag namamalimos.
Subalit, nahihirapan at maingat ngayon ang
ginagawang hakbang ng lokal na pamahalaan ng Malay tungkol dito, dahil na rin sa
mga batas na nagpo-protekta sa mga katutubong sangkot sa ganitong gawain.
Ayon kay Boracay Island Chief Operations Officer
Glenn SacapaƱo, nitong nakaraang araw lang ay mahigit 20 mga
katutubong Badjao ang inihatid sa mainland mula sa isla.
Ayon pa kay SacapaƱo, hindi lang Badjao ang
kanilang minomonitor sa ngayon, kundi pati na ang mga batang hamog na
namamalimos sa isla.
Malaki umano kasi ang nagiging epekto nito sa mga
turistang bumibisita dito lalo na ngayong papalapit ang pasko at bagong taon.
Samantala, muli rin umanong pag-uusapan ang
nasabing problema kasama ang Commission on Human Rights at National Commission
for Indigenous People (NCIP), Department Social Welfare Development (DSWD) at iba pang sektor na makakatulong sa pagbibigay solusyon sa nasabing problema.
Nabatid na nagtutulungan na rin ngayon ang LGU
Malay, DSWD at Philippine National
Police (PNP), upang maisaayos ang buhay ng mga katutubong grupo.
No comments:
Post a Comment