Posted December
12, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Ang pagtulong sa mga enforcers sa Boracay ang siyang
pangunahing adbokasiya ng Public Assistance for Rescue, Disaster and Support
Services (PARDSS) International Foundation Inc.,.
Ito ang sinabi ni SB member Jupiter Gallenero sa ginanap
na ika-38th regular session ng Malay nitong Martes kung saan nabatid
na humihiling ang nasabing foundation ng akriditasyon sa LGU Malay.
Bagamat may sariling opisina ang PARDSS sa Boracay
bagamat nais parin nilang makilala ang kanilang foundation para sa tuloy-tuloy
na pagtulong sa isla ng Boracay.
Samantala, sinabi pa ni Gallenero na mayroon na rin
umanong Chapter ang PARDSS sa bayan ng Kalibo na ngayon ay tumutulong na rin sa
mga enforcers sa naturang lugar.
Napag-alaman na aktibo rin ang nasabing foundation sa
ibat-ibang bahagi ng bansa pagdating sa pagtulong sa pagpapaigting ng seguridad
katuwang ang mga enforcers ng mga Lokal na Pamahalaan.
Muli namang tatakayin sa susunod na Sangguniang Bayan
Session ng Malay ang kahilingan ng PARDSS.
No comments:
Post a Comment