Posted December 13, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Sugatan ang driver at isang back rider ng
motorsiklo matapos maaksidente kanina ng madaling araw sa Yapak Boracay.
Kinilala sa blotter report ng BTAC ang driver na si
Ejay Lerona, 26 anyos habang kinilala naman ang back rider na si Saturnino
Bandiola, 29 anyos.
Batay sa imbestigasyon ng BTAC, nag-overtake ang
mga biktima sa sinusundan nitong tricycle subali’t nawalan umano ng kontrol ang
driver nitong si Lerona at pumaakyat sa gutter ng kalsada ang sinasakyang
motorsiklo saka natumba.
Kaugnay nito, muli namang nagpaalala ang BTAC sa mga motorista na ibayuhing mag-ingat sa pagmamaneho.
No comments:
Post a Comment