Posted December 8, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Umabot sa siyamnaput walo ang bilang ng mga na-stranded
na pasahero sa Caticlan at Cagban Jetty Port dahil kay bagyong Ruby.
Ito ang naitala ng Jetty Port Administration base sa
kanilang isinagawang headcount simula kanina alas-7 ng umaga.
Ayon naman kay Special Operation Officer III Jean Pontero
ng Caticlan Jetty Port, ito ay kinabibilangan ng local at foreign tourist na
inabutan ng kasagsagan ng bagyong Ruby sa probinsya.
May kabuuang bilang na 27 mga pasahero ang na-stranded sa
Caticlan na papuntang isla ng Boracay habang 32 naman sa Cagban na patawid ng
mainland Malay at 39 na pasahero ng roro
vessel.
Sinabi pa ni Pontero na tuloy-tuloy naman ang kanilang
ibinigay na ayuda sa mga nasabing pasahero kung saan binigyan nila ito ng mga
pagkain katulad ng noodles, biscuit kasama na ng maiinum na tubig.
Sa ngayon inaantay nalang ng Jetty Port Administration
kung tuluyan ng maaalis ang storm signal number 2 sa Aklan bago nila e-resume ang
biyahe ng mga bangka sa Caticlan at Cagban Vice versa.
No comments:
Post a Comment