Posted December
12, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Ito’y dahil sa nakakolekta ang Malay ng pinakamataas na real
property taxes sa kabuuang 286 first class municipalities sa Pilipinas na may
income na 81. 23 %.
Pumapangalawa naman rito ang Limay, Bataan na may 79.89
percent, Carmona, Cavite na 78. 87 %, Cabuyao Laguna 69.07 %, General Trias
Cavite 63. 65 %, Calaca, Batangas na 62.94 %, Mauban, Quezon 61. 95 %, Sual,
Pangsian 59. 16 %, Tagaloan, Misamis Oriental 58. 59 % at ang ikasampu ay ang
Norzagaray, Bulacan na may local income na 58.38 %.
Kaugnay nito ikinatuwa ng mga mamamayan sa Malay ang
pagiging top dahil na rin sa isla ng Boracay na siyang pangunahing dahilan ng
pagtaas ng income ng nasabing bayan.
Ang bayan ng Malay ang natatanging bayan sa buong Region
6 na napabilang sa top first class municipalities.
No comments:
Post a Comment