Posted December
9, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Inaasahang matatagalan pa ang mga na-stranded na pasahero
sa Caticlan Jetty Port papuntang Roxas, Calapan, Mindoro at Batanggas City.
Ito’y dahil sa nagbabadya parin ang sama ng panahon dulot
ng bagyong Ruby sa ilang lugar sa Northern Luzon at Mindoro Island.
Ayon naman kay Special Operation Officer III Jean Pontero
ng Caticlan Jetty Port nasa 39 pa ngayong mga pasahero ang nasa kanilang
pangangalaga na galing pa sa ilang probinsya sa Region 6.
Ito umano ay mga na stranded simula pa nitong Biyernes
matapos na inilabas ng Philippine Coastguard (PCG) ang kalatas na nagsususpinde
sa operasyon ng lahat ng mga sasakyang pandagat dulot ng epekto ng bagyong
Ruby.
Sinabi pa nito na patuloy naman ang kanilang ginagawang
ayuda sa mga nasabing pasahero sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga pagkain
hanggang sa muling maibalik ang operasyon ng roro vessel.
Samantala, balik na sa normal ngayon ang operasyon ng mga
bangka sa Caticlan at Cagban Vice versa matapos itong itigil ng ilang araw.
No comments:
Post a Comment