Posted December 8, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Inaalam pa sa ngayon ng Provincial Disaster Risk
Reduction and Management Council (PDRRMC) Aklan ang mga pinsalang naidulot ng
bagyong Ruby sa probinsya.
Ayon kay Aklan PDRRMC Exec. Officer Galo Ibardolaza,
sa ngayon ay wala pa silang naitatalang pinsala sa Aklan at kasalukuyan pa ring
sinusuri ng kanilang ahensya ang iba’t-ibang bayan.
Sa kabila nito, sinabi ni Ibardolaza na kailangan
pa rin umano ang ibayong pag-iingat ng mga residenteng inilikas mula sa mga
mababang lugar.
Gayunpaman, base sa pinakahuling ulat ng PAGASA humina
pa ang Bagyong Ruby habang tumatawid sa Sibuyan Sea.
Samantala, inaasahang magla-landfall naman sa ikatlong
pagkakataon ang bagyo sa Northern Mindoro sa pagitan ng alas-6:00 ng gabi at
alas-8:00 ng gabi.
No comments:
Post a Comment