Posted December 12, 2014
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay
May cardboard standee na rin ngayon ni Pope Francis
ang HRP o Holy Rosary Parish Boracay na dumating sa simbahan nitong nakaraang
linggo.
Ayon sa HRP Boracay, marami na ring debotong
Katoliko sa isla ang nakapagpalitrato sa nasabing standee.
Subali’t inilipat na lamang muna nila ito sa parish
office mula sa loob ng simbahan dahil sa pangambang masira ito ng malakas na
hangin dulot ng nakaraang Bagyong Ruby.
Nabatid na eksakto ang Pope standee sa itsura at
pangangatawan ng mahal na Santo Papa.
Inilabas ang nasabing official papal memorabilia para
sa pagdating ni Pope Francis sa bansa sa Enero 2015 para sa mga mahilig
magpa-‘selfie’.
Inaasahan kasi na marami ang hindi makakalapit sa
Santo Papa sa kanyang pagdating kung kaya’t ipinakalat ng Catholic Radio
Station na Radio Veritas ang nasabing standee.
Sinasabing isang mapagkumbaba at malapit sa masa
ang Santo Papa na mahilig ding mag-selfie kasama ang mga deboto.
No comments:
Post a Comment