YES THE BEST 911 BORACAY

Wednesday, December 10, 2014

Dalawang grupo ng mga kalalakihan, nag-rambol sa Boracay

Posted December 10, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Nakatakda ngayong magharap sa Barangay Justice System ng Manoc-Manoc Boracay ang dalawang grupo ng mga kalalakihan matapos na magrambol kanina ng madaling araw.

Ayon sa blotter report ng BTAC, nag-iinuman ang nasabing mga grupo nang mamagitan ang isang mainit na argumento sa kanila.

Dahil sa kalasingan at pagkapikon, dito na nagsuntukan at nangyari ang isang iskandalo sa pagitan nila.

Galos naman sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ang tinamo ng magkabilang grupo.

Samantala, nagkasundo naman ang mga ito na sa barangay ayusin ang kanilang hindi pagkakaintindihan.

No comments:

Post a Comment