Posted
December 8, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Nasa-evacuation center parin ngayon ang ilang mga
residente sa Boracay na nauna ng lumikas nitong araw ng Biyernes dahil sa
bagyong Ruby.
Base sa tala ng Boracay Command Center umabot sa apat na
raan at dalawampu ang mga pamilyang nagsilikas sa mga inilaang mga evacuation
center ng LGU Malay sa tatlong Brgy. sa Boracay.
Isa si Emily Bayhon ng brgy. Yapak sa mga lumikas kasama
ang kanyang pitong anak at asawa dahil sa pangamba at takot ng pananalasa ni
Ruby.
Puno rin ng mga nagsilikas na risedente ang Alta Vista
Function Hall sa Yapak, Bloomfield academy sa brgy. Balabag, at Manoc-manoc
Elementary School at Boracay National High School Extension.
Ilan ding tahanan ang nagbukas ng kanilang pintuan sa mga
lumikas na residente sa Boracay upang makatulong sa mga nangangailangan ng
masisilungan.
Kaugnay nito nakaantabay naman ang Municipal Health
Office kasama ang Philippine Red Cross, Philippine National Police, Department
of Social Welfare and Development at ang LGU Malay sa mga lumikas na residente
na ngayon ay nasa mga evacuation center parin dahil sa nakataas pa ang storm
signal number 2 sa lalawigan ng Aklan.
No comments:
Post a Comment