Posted December 13, 2014
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay
Kailangan na kasi itong matapos para sa nalalapit
na Simbang Gabi sa araw ng Martes.
Kaya naman halos doble kayod na rin ngayon ang mga
construction workers doon sa pagsemento sa mezzanine o balcony ng simbahan.
Magugunitang sinabi ni HRP Boracay Priest Moderator
Father ‘Nonoy’ Crisostomo na kailangan nang palakihin ang simbahan dahil sa
dami ng mga nagsisimba lalo na kapag araw ng Linggo.
Sinabi din nito na unang tatapusin ang sa left wing
na bahagi ng simbahan upang maihabol sa Simbang Gabi.
Nabatid na nagkakahalaga ng anim na milyong piso
ang nasabing proyekto na galing umano sa pondo ng simbahan.
No comments:
Post a Comment