Posted
December 7, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Full force ang ginagawa ngayong paghahanda ng Boracay
Command Center para kay bagyong Ruby na maaaring umepekto sa isla ng Boracay.
Sama-sama ang ibat-ibang tanggapan ng Lokal na Pamahalaan
ng Malay sa pangunguna mismo ni Mayor John Yap para paghandaan ang pananalasa
ng nasabing bagyo sa isla.
Inihanda na rin ng mga ito ang kanilang mga kagamitan
sakaling magkaroon ng ibat-ibang insidente sa isla dulot ng bagyong Ruby,
kasama na ang mga relief goods na ipapamahagi sa mga nagsilikas na residente sa
evacuation center.
Kabilang naman sa mga tumulong dito ang Philippine
National Police (PNP), Philippine Coastguard, Philippine Red Cross, Department
of Social Welfare and Development (DSWD).
Samantala, patuloy ang abiso ni Mayor Yap sa lahat ng mga
nakatira sa coastal areas sa isla na lumikas na sa mga inilaang evacuation
center upang maiwasan ang kapahamakan.
No comments:
Post a Comment