Posted December 10, 2014
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay
Halos sabay ding bumalik sa isla ang mga trabahador
sa Boracay na nagsiuwian dahil sa Bagyong Ruby.
Dahil dito, punuan ang mga pasahero ng mga bus at pampasaherong sasakyan papuntang Caticlan mula kaninang umaga.
Dahil dito, punuan ang mga pasahero ng mga bus at pampasaherong sasakyan papuntang Caticlan mula kaninang umaga.
Nabatid na mula sa iba’t-ibang bayan sa Aklan ang
mga trabahador mula sa hanay ng front office, housekeeping, hotel drivers at
iba pang resort works, construction workers, at mga sales lady, ang nagsiuwian
nitong Huwebes dahil sa pangamba sa Bagyong Ruby.
Ayon sa construction worker na si Mang Moreno,
nag-alala siya na baka masira ng Bagyong Ruby ang ginagawa niyang bahay sa
kanilang lugar kung kaya’t minarapat niyang lumiban sa trabaho at umuwi.
Samantala, maliban sa mga nagsiuwiang trabahador dahil
sa bagyo, nabatid na may mga hindi umalis sa Boracay at pinili ang magdasal sa
simbahan.
Nabatid na hindi na rin umalis sa isla ang iba pa
dahil kasama naman nila ang kanilang pamilya sa isla.
Magugunitang isa rin ang Probinsya ng Aklan kasama
na ang Boracay sa mga sinalanta ng Bagyong Yolanda nitong nakaraang taon.
No comments:
Post a Comment