Posted December 11, 2014
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay
Nabatid na epektibo December 5 pa ang ibinabang
relieve order ni Salvo mula sa Provincial Headquarters ng Aklan PNP.
Kaugnay nito, si PSInsp. Fidel Gentallan naman na
dating Boracay PNP Deputy Chief ang umuupo ngayon bilang OIC.
Kinumpirma naman sa text message ni Aklan Police Provincial
Office Chief PSSupt. Iver Apellido na sa Aklan Provincial Police Headquarters
naka assign ngayon si Salvo.
Iginiit naman ni Appelido na kasama sa police management ang pagkaka-relieve kay Salvo.
Magugunitang umupo bilang hepe si Salvo nito lamang
nakaraang Pebrero 2014 kapalit ni dating Boracay PNP Chief PS/Insp. Joeffer
Cabural, na kasama sa mga sinibak sa puwesto ni PNP Chief Director General Alan
Purisima nitong nagdaang October 2013.
No comments:
Post a Comment