Posted December 8, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Nakatakdang magsagawa mamayang hapon ng
post-evaluation ang lokal na pamahalaan ng Malay hinggil sa bagyong Ruby.
Kaugnay nito nagpasalamat naman ang lokal na pamahalaan
dahil sa walang naitalang grabeng pinsala sa isla ng Boracay nang dumaan ang
nasabing bagyo.
Samantala, nabatid na ika- 3 ng Disyembre, kasama
ang Malay PNP, Philippine Coastguard, at iba pa, ay nagsimula nang maghanda ng
MDRRMC maging ang mga force multipliers sa isla upang magiging plantsado ang
mga posibleng rescue operations.
Magugunitang nagsagawa rin ng apat na araw na
Contingency Planning Workshop ang Municipal Disaster Risk Reduction and
Management Council (MDDRMC) Malay sa Boracay nitong nakaraang buwan ng Oktubre,
upang palakasin ang sistema ng mas maagang paghahanda sa bayan ng Malay lalung-lalo
na sa isla ng Boracay.
No comments:
Post a Comment