Posted December 12, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Nagreklamo sa Boracay Tourist Assistance Center
(BTAC) ang isang beach cleaner matapos na umano’y sampalin ng isang lalaki sa
Boracay kaninang madaling araw.
Ito’y dahil sa nagalit umano ang suspek na
kinilalang si “Heremias”, 32 anyos at dive master ng isang resort sa isla dahil
sa pag-iingay ng nasabing beach cleaner.
Ayon sa blotter report ng BTAC, aminado ang biktima
na kinilalang si “Joser”, 34 anyos ng So. Tambisaan Manoc-Manoc Boracay na nasa
ilalim ito ng nakakalasing na inumin at nag-iingay habang naglalakad sa front
beach ng Station 3 Manoc-Manoc.
Nagkataon na habang naglalakad umano ito at
nag-iingay ay nadaanan nya ang grupo ni “Heremias” na nag-iinuman at
pinagsabihan sya na tumahimik.
Subalit, hindi niya umano ito sinunod at sa halip
ay patuloy pa rin sa pag-iingay dahilan upang sampalin sya ng nasabing dive
master.
Samantala, nakatakda naman ngayong mag-harap ang
dalawa sa Manoc-manoc Barangay Justice System.
No comments:
Post a Comment