Posted December 9, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Ito ang kinumpirma ng Provincial Disaster Risk
Reduction and Management Council (PDRRMC) kaugnay sa pananalasa ng bagyong Ruby
sa probinsya.
Ayon kay Grace Lachica ng PDRRMC Aklan, bagama’t
idineklara ng Sangguniang Panlalawigan (SP) sa ginanap na Special Session
kahapon ng umaga sa State of Calamity ang probinsya.
Iginiit nito na nasa zero casualty ang report ng
kanilang ahensya sa epekto ng bagyong
Ruby.
Samantala, nabatid naman sa pinakahuling datus ng
PDRRMC na umaabot sa 77, 606 na indibidwal o 18, 552 na pamilya ang inilikas sa
pananalasa ng bagyo.
Sa kabila nito, idineklara ang State of Calamity sa
Aklan para magamit ang recovery at calamity fund at para ma-kontrol na rin ang
presyo ng mga bilihin na hindi tumaas.
Base na rin sa nakasaad sa Republic Act 10121 o
Philippine Risk Reduction and Management Act of 2010, magkakaroon ng price
freeze sa mga pangunahing bilihin sa mga lugar na inilalagay sa state of
calamity.
No comments:
Post a Comment