Posted December 10, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Tatlo ang tinitingnang motibo ngayon ng Boracay
Tourist Assistance Center (BTAC) hinggil sa pagkakabaril ng Korean national sa
Boracay nitong nakaraang Nobyembre 26.
Ayon kay PO1 Alan Zamora, imbestigador ng nasabing
kaso.
Hindi muna nila masasabi ang motibo sa ngayon at inaantay
na lamang di umano nila na maka-rekober ng maayos ang biktima upang ma-ihanda
na ang cartographic sketch ng suspek.
Gayunpaman, anya may nauna na rin silang
cartographic sketch ng suspek base sa pagkakalarawan ng isa sa mga nakasaksi sa
krimen.
Napag-alaman na patuloy pa rin sa ngayong
nagpapagaling ang biktimang koreano sa bayan ng Kalibo matapos magtamo ng sugat
sa kilikili.
Samantala, magugunita naman sa inisyal na imbestigasyon
ng Boracay PNP na naglalakad pauwi galing sa isang restaurant ang Koreanong si
Jin Woo Lee, 39 anyos, manager ng isang Spa nang sundan di umano ito ng
dalawang hindi nakilalang pinoy at binaril.
No comments:
Post a Comment