Posted December 9, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Dumulog sa himpilan ng BTAC kanina ng madaling araw ang isang 31 anyos na construction worker matapos na umano’y pinagtangkaan itong patayin ng kapwa nya
mga construction workers.
Sumbong sa BTAC ng biktimang si Ronnie Jacosalem,
nakita nito ang dalawa nyang kasamahang construction workers na sina Joel
Caadlawon, 37 anyos at Vincent Hison, 22 anyos sa labas ng kanilang barracks.
Anya, hawak-hawak di umano ni Joel ang isang
kutsilyo at tubo habang dala-dala naman ni Vincent ang isang bara.
Nang magtagpo ay isang mainit na argumento di umano
ang namagitan sa kanila, kung saan tinangka syang saksakin ng suspek na si Joel
subalit nakailag umano ito.
Samantala, kaagad naman umanong inagaw ng iba pa nilang kasamahan doon ang kutsilyo mula sa
suspek na naging dahilan naman upang magkaroon ang suspek ng sugat sa kanyang
daliri at iba pang bahagi ng katawan.
Nahaharap naman ngayon ang dalawang akusado sa
kasong attempted homicide.
Sa kabilang banda, kaninang madaling araw ay
nag-reklamo din sa BTAC ng physical injury ang isa sa mga nasabing suspek na si
Joel Caadlawon.
Ayon sa blotter report ng BTAC, sinabi ni Joel na kasama umano nito ang isa pang construction worker na si Vincent sa loob ng
isang discohan sa Manoc-Manoc Boracay nang pagsabihan umano nito ang kanyang
pamangkin na si Noel na umayos sa pagkilos.
Subalit, bigla na lamang di umanong kwinelyuhan ang kanyang pamangkin ni certain “Leo”
kaya naman para makaiwas ng gulo ay umuwi na lamang umano itong si Joel sa
kanilang bahay.
Nang sa labas na ng kanilang barracks, hihingi sana
umano sila ng despensa sa grupo nina Leo, subalit hinamon umano sila ng away at
binugbog na naging dahilan kaya nagkaroon sya ng mga sugat sa katawan.
Patuloy naman sa ngayon na iniimbestgahan ng BTAC
ang nasabing insidente.
No comments:
Post a Comment