YES THE BEST 911 BORACAY

Wednesday, November 26, 2014

(Update) Pagbaril sa Korean national sa Boracay kagabi, patuloy na iniimbestigahan ng BTAC

Posted November 26, 2014
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay

Patuloy na iniimbistigahan ngayon ng Boracay PNP ang nangyaring pagbaril sa isang Korean national sa isla kagabi.

Kaya naman tumanggi munang magbigay ng anumang pahayag tungkol dito si mismong Boracay PNP Deputy Chief Police Inspector Fidel Gentallan.

Maguginita naman sa inisyal na imbistigasyon ng Boracay PNP na naglalakad pauwi galing sa isang restaurant ang Koreanong si Jin Woo Lee, 39 anyos, manager ng isang Spa nang sundan di umano ito ng dalawang hindi nakilalang pinoy at binaril.

Kaagad namang isinugod sa isang pagamutan sa bayan ng Kalibo ang biktima matapos magtamo ng sugat sa kilikili.

Samantala, kinumpirma naman sa himpilang ito ng pinagtatrabahuang spa ng biktima na hindi apektado ang kanilang operation matapos mabaril ang kanilang spa manager.

1 comment:

  1. Nasaan na yung update? Update na wala lang? hehehehe

    ReplyDelete