Posted November 26, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Bukas na gaganapin ang committee hearing kaugnay sa
ordinansa ng pagkakaroon ng mga photoshoot sa isla ng Boracay.
Ito’y matapos itong talakayin sa Sangguniang Bayan (SB)
Session ng Malay nitong mga nakaraang buwan makalipas ang naging mainit na
topiko sa social media tungkol sa ordinansa ng pagkuha ng litrato sa Boracay.
Nabatid na maraming mga photographer sa isla at maging sa
ibang lugar sa bansa ang nagulat kaugnay sa ordinance 168 ng LGU Malay na nagbabawal
sa pagkuha ng litrato sa Boracay ng walang sapat na permit mula sa nasabing
bayan.
Dahil dito sinabi naman ni Malay SB Secretary Concordia
Alcantara na isasailim ito sa isang committee hearing bukas ng hapon sa Balabag
Action Center kung saan imbitado rito ang mga photographers association sa
Boracay pati na ang ilang concern agencies.
Sinabi pa nito na ito ay isang paraan para mabigyan ng
linaw ang pagkalito ng ilang mga photographer at ng mga nitizens sa nasabing
batas na hanggang ngayon ay mainit paring pinag-uusapan sa mga social
networking sites.
No comments:
Post a Comment