YES THE BEST 911 BORACAY

Friday, November 28, 2014

European national, ipinakulong ng sariling misis sa BTAC

Posted November 28, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Nasa kustodiya pa rin ngayon ng Boracay Tourist Assistance Center (BTAC) ang isang European national.

Ito’y matapos syang pansamantalang ipakulong ng kanyang hindi na pinangalanang misis para hindi na umano makagawa pa ng iskandalo.

Ayon kasi sa blotter report ng BTAC, nasa ilalim ng nakalalasing na inumin ang European national na si Micahel Tolins, kung saan una umano silang nagtalo ng kanyang asawa sa resort na kanilang tinutuluyan sa isla.

Samantala, habang nasa himpilan naman ng BTAC ay patuloy pa rin umano sa pagiging arogante ng turista at pinagsisigawan ang kanyang asawa sa harapan ng mga pulis.

Subalit, sa kabila nito ay pumayag naman ang huli na sa himpilan na ng BTAC matulog para hindi na makapanakit pa sa labas.

No comments:

Post a Comment