Posted November 26, 2014
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay
Marami na rin umanong natatanggap na reklamo mula
sa mga turistang pasahero ng Cebu Pacific ang DOT o Department of Tourism
Boracay Sub-office.
Ito ang sinabi ng DOT Boracay kaugnay sa reklamo ng
mga turistang pupunta sana ng Boracay nitong nakaraang November 18, ngunit kinansela
at i-divert ng Cebu Pacific ang kanilang flight mula Manila to Caticlan, at
naging Manila to Kalibo Airport.
Ayon pa sa DOT Boracay, nakarating na rin ang bagay
na ito kay mismong DOT 6 Regional Director Atty.Helen Catalbas.
Samantala, sinubukan naman ng himpilang ito na
kunin ang pahayag ni CAAP o Civil Aviation Authority of the Philippines Kalibo Manager
Cynthia Aspera, subali’t itinigil na muna nito ang pagsagot sa aming text
message.
Magugunitang umalma din ang ilang pasahero ng Cebu
Pacific dahil sa madalas umano nilang idinadahilan ang sunset situation o
takip-silim, at ang maikling runway ng Caticlan sa tuwing ida-divert nila ang
flight sa Kalibo Airport.
No comments:
Post a Comment