YES THE BEST 911 BORACAY

Monday, November 24, 2014

Lalaking French national, isinugod sa bayan ng Kalibo matapos masugatan sa Boracay

Posted November 24, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Malaking katanungan ngayon para sa mga taga-Boracay Tourist Assistance Center (BTAC) ang pagkakasugat ng kaliwang mata ng isang French national sa isla.

Ayon sa blotter report ng BTAC, naglalakad ang turista na kinilalang si Zachery Constabler, 25 anyos kasama ang mga kaibigan na sina Dany Choueka, Swiss national, Maria Emelianova at Marleen Frinta, parehong German national kanina ng madaling araw nang bigla na lamang umano itong natumba.

Base sa pahayag ng mga kasamahan ng biktima, hindi rin nila masasabi kung nahulogan ng kung anong bagay o binato ang biktima nang dumaan ang mga ito sa ilalim ng isang puno ng niyog.

Samantala, patuloy naman ngayong ginagamot ang biktima sa Panay Health Care sa bayan ng Kalibo, Aklan habang nagpapatuloy ang imbestigasyon sa kaso.

No comments:

Post a Comment