YES THE BEST 911 BORACAY

Tuesday, November 25, 2014

Construction site sa Boracay nilooban ng magnanakaw, ilang gadgets tinangay

Posted November 25, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Walang patawad ang magnanakaw nang pasukin nito ang isang construction site ng sikat na resort sa Boracay kaninang madaling araw.

Sa blotter report ng Boracay PNP kinilala ang nagrereklamong si Richard Echiverri, project engineer ng nasabing construction site at residente ng nasabing lugar.

Ayon kay Echiverri nilooban umano ang kanilang site kung saan may nawawalang gadgets mula sa tatlong construction worker na pansamantalang nanunuluyan din sa nasabing underconstruction site.

Agad namang nagsagawa ng imbistigasyon ang Boracay PNP Station kung saan dito napag-alaman na nakuha ng magnanakaw ang dalawang cellphone at isang Portable DVD.

Ngunit bigo namang matukoy ng mga pulis kung sino ang suspek sa nasabing nakawan at kung ito ba ay inside job.

No comments:

Post a Comment