Posted November 28, 2014
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay
Isang Job Fair ang muling inilunsad ng BITC o Boracay
Industry Tripartite Council at DOLE o Department of Labor and Employment
Regional Office 6 dito sa isla ngayong araw.
Kaugnay nito, muling ipinaliwanag ng DOLE ang
kanilang programa na labanan ang kahirapan sa bansa sa pamamagitan ng
pag-anyaya sa mga employers na magbigay ng trabaho.
Ayon kay DOLE Aklan Senior CEO Arlyn Siaotong, bukas
para sa lahat ng mga naghahanap ng trabaho at maging sa mga may trabaho na,
pero nais pa ng ibang job opportunities ang nasabing Job Fair.
Masaya namang sinabi ni BITC Assistant Lyzelle
Ceralde na maaaring magkaroon agad ng trabaho ang isang aplikante o tinatawag
na Hired on the Spot.
Samantala, kasalukuyan na ring pumipila ang mga
aplikante sa iba’t-ibang kompanya na nakibahagi sa isang araw na job fair sa
Holy Rosary Parish Boracay Compound.
No comments:
Post a Comment