Posted November 28, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Sa Lunes na, Disyembre 1, tatalakayin ng
Sangguniang Panlalawigan (SP) Aklan ang supplemental budget ng LGU Malay.
Ito’y sa pamamagitan ng isang Committee Hearing,
kung saan unang nabatid na napagkasunduan ng mataas na konseho na ipagpaliban
muna ang nasabing resolusyon mula sa SB Malay para sa karagdagang pag-aaral.
Nabatid sa Ordinance No. 002, Series of 2014 na nilagdaan
sa SB Malay ang P91, 690,075.06 supplemental budget ng Malay bilang pondo para
sa iba’t-ibang mga proyektong pang-imprastraktura sa bayan.
Kabilang din sa proyekto na paglalaanan ng pondo ay
ang mga kalsadahin sa mainland Malay at Boracay na hindi saklaw ng national
road na hawak ng Department of Public Works and Highways (DPWH).
Popondohan din ng LGU ang mga development projects
ng ilang barangay sa Malay pati na ang ibat-ibang programa at serbisyo ng local
government.
No comments:
Post a Comment