Posted November 29, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Wala pa ring lead ang Boracay Tourist Assistance
Center (BTAC) hinggil sa kaso ng pagbaril sa isang koreano sa Boracay nitong
nakaraang Linggo.
Ayon sa BTAC, patuloy pa rin sa ngayon ang kanilang
isinasagawang imbestigasyon habang inaantay pa rin ang resulta sa isinagawang
pagsusuri sa CCTV Camera malapit sa lugar.
Maguginita sa inisyal na imbistigasyon ng Boracay
PNP na naglalakad pauwi galing sa isang restaurant ang Koreanong si Jin Woo
Lee, 39 anyos, manager ng isang Spa nang sundan di umano ito ng dalawang hindi
nakilalang pinoy at binaril.
Kaagad namang isinugod sa isang pagamutan sa bayan
ng Kalibo ang biktima matapos magtamo ng sugat sa kilikili.
Samantala, kinumpirma naman sa himpilang ito ng
pinagtatrabahuang spa ng biktima na hindi apektado ang kanilang operation
matapos mabaril ang kanilang spa manager.
No comments:
Post a Comment