Posted November 29, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Isa ang Boracay Action Group (BAG) na makikiisa sa
Department of Health (DOH) sa pagdiriwang ng World Aids day sa isla ng Boracay.
Ito ang kinumpirma mismo ng kanilang opisina, kung saan
makikibagi rin ang BAG sa mga aktibidad at programa ng Municipal Health Office
(MHO).
Nabatid na isa sa mga pinaghahandaan ngayon ng MHO
ang pagkakaroon ng Boracay Walk sa December 2 sa isla na dadaluhan ng
iba’t-ibang mga ahensya ng gobyerno at pribadong sektor.
Maliban sa Awareness Program ng MHO, nabatid na
magkakaroon din ng aktibidad sa December 2 ang lokal na pamahalaan kasabay ng
pagkakaroon ng Command Center sa Station 2 Boracay.
Samantala, hinihikayat naman nila ang lahat ng mga
taong may pagdududa sa kanilang sarili tungkol sa Aids o HIV na agad na
magpakunsulta sa doktor para hindi lumalala ang inpeksyon.
No comments:
Post a Comment