Posted November 28, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Bagamat hindi natuloy ang committee hearing kaugnay sa
ordinansa ng photoshoot sa Boracay kahapon ng hapon nagbigay naman ng reaksyon
ang photographers association sa isla.
Ayon sa prisedente ng Boracay Photographer Association na
si Ernesto Cruz, ang ordinansa umanong inilabas ng LGU Malay na 168 ay
proteksyon lamang sa mga katulad nilang photographers at walang inaapakan.
Aniya, may hangganan din ito dependi sa mga nagsasagawa
ng photoshoot sa isla katulad ng pre-nap at iba pang photoshoot activities.
Sinabi pa ni Cruz na matagal na umano ang ordinansang ito
na kanilang namang sinuportahan kung kayat nagulat na lamang sila sa mga negatibong
kuminto ng netizens sa social media tungkol dito.
Samantala, inaasahang magkakaroon muli ng committee
hearing tungkol sa nasabing ordinansa matapos itong maudlot kahapon dala ng
sama ng panahon sa isla ng Boracay.
Matatandaang naging mainit ang usaping ito sa internet dahil
sa lumabas na ordinansa na nagbabawal kumuha ng litrato o photoshoot sa Boracay
na may commercial value at walang kaukulang permit mula sa LGU Malay.
Nabatid na kung sino man ang mahuling lumabag sa
ordinance 168 ay maaaring maharap sa penalidad o pagkumpiska ng kanilang
ginagamit na camera.
Ang kagandahan ng isla ay para sa lahat. Huwag ipagdamot at angkinin para sa pag abanse ng interes ng iilang grupo lamang. Wag naman po sanang maging ganid at sakim sa kwarta.
ReplyDelete...Only in the Philippnes...
Delete