Posted November 25, 2014
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay
Ayon sa isang opisyal ng nasabing barangay, pasaway
at sakit ulo ang ginagawa ng mga construction workers lalo na tuwing araw ng
Sabado at Linggo.
Maliban kasi sa nakahubad kung minsan habang
umiinom ng alak sa dalampasigan, nagbabasag pa umano ang mga ito ng bote doon
at iniiwan ang kanilang basura.
Kaya naman nagpasaklolo na rin umano sa Municipal
Auxiliary Police ang barangay upang mabantayan ang beach area, dahil sa
pambabastos kung minsan ng mga nag-iinuman doon sa mga naliligong turista.
Samantala, nabatid na tatlo hanggang apat na beach
cleaners lamang pala ang nagmimintina at naglilinis sa Yapak beach at iilan
lang din ang mga tanod na nakaduty sa barangay.
Sa ginawa namang ocular inspection ng himpilang ito
sa lugar nitong umaga, nabatid na marami paring turista ang nagugustuhan ang
lugar dahil tahimik ito kung ikukumpara sa beach area ng Central Boracay.
No comments:
Post a Comment