Posted November 24, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Pinopormahan na ngayon ng Boracay Tourist Assistance
Center (BTAC) ang ang paghahanda para sa pagpasok ng super peak season sa isla
ng Boracay.
Ayon kay (BTAC) Chief PSInspector Mark Evan Salvo, kinansila
umano ng Regional Office ang leave ng mga pulis sa Boracay simula ngayong December
15 hanggang sa January 8 2015 para paigtingin ang seguridad sa isla ng Boracay.
Nabatid na 24 oras na magpapatrolya ang BTAC sa mga lugar
sa Boracay kung saan may kadalasang may inire-report na insidente ng nakawan at
iba pang kahina-hinalang pangyayari.
Sinabi pa ni Salvo na ang mga bike ng police personnel ay
siyang gagamitin para magpatrolya sa ilang liblib na bahagi ng lugar sa isla at
upang mapabilis ang pagrespondi sa anumang mangyaring insidente.
Dagdag pa nito na magiging katuwang nila ang Municipal
Auxiliary Police (MAP) para sa pagpapatupad ng mga ordinansa sa Boracay.
Samantala, inaasahang libo-libong turista ang dagdagsa sa
isla ng Boracay ngayong Desyembre para dito ipagdiwang ang pasko at ang bagong
taon.
No comments:
Post a Comment