YES THE BEST 911 BORACAY

Wednesday, November 26, 2014

Lalaki sa Boracay, ginilitan ng kutsilyo sa leeg; suspek, arestado

Posted November 26, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Kritikal ngayon sa bayan ng Kalibo ang isang 22 anyos na lalaki matapos na gilitan ng kutsilyo ng kanyang nakainuman kagabi sa Boracay.

Kinilala sa blotter report ng BTAC ang biktima na si Joseph Tañoan, residente ng Brgy. Afga, Tangalan, Aklan habang kinilala naman ang suspek na si Bernie Tumbagahan, 32 anyos ng pareho ring lugar.

Ayon sa report ng mga pulis, nag-inuman alas onse kagabi sa So. Pinaungon, Balabag ang biktima at suspek nang magkaroon ang mga ito ng argumento hinggil sa usaping pampamilya.

Bagay na napikon di umano ang suspek at sinuntok ang biktima sa kanyang noo na kaagad namang naawat ng isa pa nilang kasamahan.

Ilang sandali pa ay umakyat na umano ang biktima sa second floor ng kanilang tinutuluyan at nagpahinga, subalit bumaba din umano ito at doon na natulog habang nandoon pa rin umiinom ang suspek.

Habang natutulog naman ang biktima ay kaagad umanong nilapitan ng suspek at ginilitan sa leeg.

Samantala, naaresto din ang suspek matapos na isagawa ng BTAC ang isang manhunt operation sa lugar.

No comments:

Post a Comment