Posted November 27, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Ayon sa blotter report ng BTAC, natuklasan ng
biktimang si Marie Christy Ditablan, 34 anyos na nawawala na ang kanyang pitaka
nang suklian na sana nito ang isa sa kanyang mga costumer.
Ipinahayag umano ng biktima na mga alas nuebe
kagabi nang e-check nito ang CCTV Camera sa kanyang souvenir shop sa D’ Talipapa
Boracay at nakita ang isang hindi matukoy na menor de edad na lalaki na kumuha
di umano ng kanyang pitaka na nakalagay sa kanyang drawer.
Samantala, natangay naman ng nasabing suspek ang
pera ng biktima na nagkakahalaga ng 10, 300 pesos.
Nagpapatuloy naman sa ngayon ang imbestigasyon ng
mga pulis tungkol sa kaso.
No comments:
Post a Comment