Posted November 29, 2014
Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Mabilis umano ngayong lumago ang populasyon ng bayan ng
Malay base sa tala ng National Statistical Office (NSO) Aklan.
Bagamat ang bayan ng Kalibo ang may pinakamataas na
populasyon sa probinsya, ang Malay naman ang may pinakamabilis na lumago sa
population size na may 6.5 percent growth rate.
Ayon kay NSO-Aklan provincial statistic officer Blas
Solidum, ang probinsya umano ay mayroong 17 munisipyo na binubuo ng 327 na
brgy. kung saan ang bayan ng Malay ay halos apat na beses ang rate ng antas sa
provincial level at limang bese naman sa regional na may 1.35 percent pagdating
sa populasyon.
Sinabi pa ni Solidum ang pagtaas ng population ng Malay
ay maaaring dahil umano sa paglago ng tourism industry sa Brgy. Caticlan at ng
isla ng Boracay.
Samantala, sumunod sa Malay ay ang kalapit na bayan na
Nabas na may 2.18 percent, sinundan naman ito ng New Washington sa eastern side
ng Aklan na may 2. 17 percent population growth rate.
Nabatid na ang probinsya ng Aklan ngayon ay
mayroong 537, 725 population, base sa naitala, noong Censu of Population.
No comments:
Post a Comment